MENSAHE PARA SA MAY SAKIT - Said Nursi

MENSAHE PARA SA MAY SAKIT

von Said Nursi

  • Veröffentlichungsdatum: 2017-09-28
  • Genre: Islam

Beschreibung

O aking kapatid na iniisip ang kaligayahan sa mundong ito at nagdurusa dahil sa pagkabahala sa sakit! Kung ang mundong ito’y walang hanggan, at kung walang kamatayan sa ating daan, at kung hindi bumubuga ang hangin ng paghihiwalay at pagpanaw, at kung walang taglamig ng espirito sa mabagyong hinaharap, kasama mo akong maaawa sa iyo. Pero dahil isang araw ang mundong ito’y uutusan tayong umalis at isasara ang kanyang mga tainga sa ating pag-iyak, kailangan nating iwanan ang pagmamahal natin sa kanya ngayon pa lang sa pamamagitan ng mga babala nitong mga sakit, bago niya tayo paalisin. Bago niya tayo iwan, kailangang pilitin na ng ating mga puso na iwanan siya.
 Oo, sinasabi ng sakit ang ganitong babala sa atin: “Hindi bato at bakal ang bumubuo sa iyong katawan, kungdi iba’t ibang materyales na laging lumilipas. Iwanan mo ang iyong pagmamataas, intindihin mo ang iyong kahinaan, kilalanin mo ang Nagmamay-ari sa iyo, alamin mo ang iyong mga tungkulin, at pag-aralan kung bakit ka naririto sa mundo!” Pasikreto niyang ipinapahayag ito sa tainga ng puso.
 Dagdag pa, dahil ang sarap at kaligayahan sa mundong ito ay hindi nagpapatuloy, at lalo na kung sila ay mga ipinagbabawal, sila ay panandalian at puno ng sakit, at makasalanan, huwag kang umiyak sa iyong pagkakasakit dahil nawala sa iyo ang mga kaligayahang iyon.  Bagkus, isipin ang aspeto ng pagsamba at gantimpala sa kabilang buhay na makikita sa sakit, at piliting tumanggap ng kaligayahan mula sa kanila.